Diniktahan na tayo ng media at ng mga palatastas kung ano nga ba ang maituturing na maganda. Masyado na nila tayong na-brainwash kung kaya't nadidiri na tayo sa mga bagay na nasa ating pangangatawan na, kung susuriin, ang katapat naman sa kalikasan ay kinukonsiderang precious.
Ang lapit na aking gagamitin ay ang Value Theory. Ayon sa Stanford Encyclopedia of Philosophy, ang Value Theory ay ginagamit sa at least tatlong magkakaibang paraan sa Pilosopiya. Sa pinakamalawak nitong pagkakaunawa, ang Value Theory ay isang bansag na sakop lahat na ginagamit upang lagumin ang lahat ng sangay ng moral philosophy, sosyal at politikal na pilosopiya, aestetika, at, kung minsan, peministang pilosopiya at ang pilosopiya ng relihiyon — anumang sangay ng pilosopiya na itinuturing sumasaklaw sa aspeto ng halaga. Ngunit, sa mas useful na pagkakaunawa, ang Value Theory ay nakatuon sa parte ng moral philosophy na may kinalaman sa mga teoretikal na katanungan hinggil sa kahalagahan at kabutihan ng lahat ng uri — ang teorya ng halaga. Ang teorya ng halaga, sa pagkakaunawa, ay saklaw ang aksiyolohiya, ngunit isinasama rin ang marami pang ibang mga katanungan hinggil sa kalikasan ng halaga at ang relasyon nito sa iba pang kategoryang moral.
Blackheads & Whiteheads. Ayon sa mga patalastas ng mga produktong pang-“skin care” at Hollywood, kadiri ang magkaroon ng whiteheads at blackheads. Ngunit, ano at paano nga ba nabuo ang mga “imperpeksyon” na ito? Hindi ba’t kapareho rin nito ang paraan kung papaano namumuo ang mga perlas na ating itinuturing na isang precious stone? Ang whiteheads at blackheads, tulad ng perlas, ay mga duming naipon at namuo sa loob ng pores ng ating balat. Bakit ang white pearls ay precious at ang whiteheads ay kadiri at isang itinuturing na imperfection sa balat? At, bakit ang black pearls ay mas rare at sa gayon ay mas precious samantalang ang blackheads (na mas matagal na mabuo kaysa sa whiteheads, at sa gayon ay mas mahirap maabot) ay kinukunsidera namang mas kadiri? Tayo rin ay nadidiri kapag mas malaki ang blackheads o whiteheads ngunit namamangha sa malalaking perlas.
Oil. Ang langis ay itinuturing ng ating panahon ngayon bilang liquid gold. Sa pandaigdigang pamalian, ang mga kumpanya ng langis ay nagbi-bid para sa isang barrel ng likidong ito. Ngunit, ayon muli sa mga patalastas, ang pagkakaroon ng isang “oily” ng mukhang ay isang kapangitan. Angal tayo ng angal sa paulit-ulit na pagtaas ng presyo ng langis ngunit ang sarili nating mga langis sa mukha ay hindi naman natin ma-appreciate. Sa katunayan, itinuturing natin ito tulad ng blackheads at whiteheads. Kung anu-ano ang pinaglalagay natin sa ating mga mukha para lang maiwasan ang pagiging oily nito. Bakit hindi nating maituring itong liquid gold sa ating mukha tulad ng pagturing natin sa langis na nilalagay natin sa ating mga sasakyan? Kung tutuusin nga, ang langis ng ating mukha ay mas malinis ng di hamak sa langis na sangkaterbang salapi ang halaga. Ngunit, bakit iyon ang itinuturing na parang isang ginto, isang precious na metal, at hindi ang mga nasa mukha natin? Mahilig tayo sa mga shiny na buhok, damit at alahas ngunit bakit ayaw natin ng shiny na mukha?
Acne Scars. Ang acne scars ay mga marka o di kaya ay mga uka na naiiwan sa ating balat ng pimples. Muli, ito ay tinitingnan bilang isang napakalaking imperfection sa balat. Itinuturing pa nga itong isang mas malaking problema kaysa sa blackheads, pimples, at oily skin dahil ito ay permanente at kadalasang malaki ang magagastos kung nais ipatanggal. Tinatawag itong crater sa mukha. Crater. Yung bagay na nasa mukha ng buwan. Ngunit, bakit ang buwan ay maganda pa rin kahit tadtad ito ng craters? Bakit manghang-mangha tayo sa mga craters ng buwan ngunit asar na asar sa craters ng sarili nating balat?
Kidney Stones. Bagaman hindi nga talaga ito mabuti sa pangangatawan kapag masyado ng malaki, ang kidney stones, kung susuriin, ay tila mga butil ng corals. Ang kidney stones ay lumalabas sa pangangatawan sa pamamagitan ng pagsabay sa ihi. Ang corals naman ay matatagpuan sa karagatan. Ang pareho ay matatagpuan sa maalat na likido. Masakit ilabas ang malalaking kidney stones, ngunit, hindi ba’t masakit din naman ang masugat sa corals habang lumalangoy sa dagat?
Dahil sa media at kung anu-anong produktong “pampaganda” na nagsulputan sa mercado, hindi na natin matanggap ang mga natural na “produkto” ng ating pangangatawan. Dahil sa pagiging vain at “face value-conscious” natin ay kung anu-anong powders, creams, mists, at gels ang tinatambak natin sa ating balat. Kunwari pa ay “eco-friendly” tayo, ngunit, kung iisipin natin, kung isasalin sa kalikasan ang batayan ng kagandahan ng ating panahon ngayon ay isang barren land ang tatambag sa ating harapan. Hindi ba’t isa ring batayan ng kagandahan ang isang makinis na mukha? Walang buhok? Ano nga ba ang katapat ng buhok sa ating kalikasan kundi damo, hindi ba? Walang buhok, walang damo. Kalbo. Kalbong mundo. Kalbong mukha. Walang nagagandahang mga bato. Hindi ba’t napakapangit? Ang boring, ika nga.
Nakakaramdam tayo ng pleasure kapag matagumpay nating naalis ang itinuturing na imperfections sa ating mukha dahil lamang may ipinadama sa ating displeasure ang mga patalastas sa simula sa pagkakaroon ng mga ito. Ngunit, kung titingnan ang mga bagay na nasa ating katawan ngayon bilang ilan sa mga pinakamagagandang bagay na matatagpuan sa kalikasan, hindi na magiging kadiri-diri ang mga ito Wala namang makasisirang naidudulot ang mga ito sa ating pangangatawan talaga. Wala pa namang nalunod sa sobrang daming facial oil o di kaya ay nawalan ng mukha sa tadtad na blackheads, whiteheads at acne scars. Kinundisyon lamang ang ating mga pag-iisip ng mga patalastas na nagbebenta ng mga produktong “pampaganda” na isiping ang blackheads, whiteheads, acne scars, at facial oils ay hindi maganda. Maswerte pa nga tayo’t mabilis lang tayong nakakabuo ng mga perlas at craters samantalang matagal na panahon ang hinihingi upang mabuo ang mga ito ng kalikasan, at libre ang liquid gold na lumalabas sa ating mga mukha’t di na nating kinakailangang magbayad ng milyun-milyong pera para lang dito. Ngunit, masyado tayong nagpapadala sa mga pinagsasabi ng mga patalastas (na ang layunin lang naman ay makabenta sa pamamagitan ng pagpaparamdam sa ating mga manonood na pangit tayo), kung kaya’t nakakalimutan na natin ang mga ito.
Sources:
Stanford Encyclopedia of Philosophy

No comments:
Post a Comment