Wednesday, September 16, 2009

Di Lahat ng Babae ay may Panty by Haniel Cherreguine

“ Panakip-butas mo lang pala ako”, yan ang hinanakit ng panty kung marunong lamang ito magreklamo. Ginawa ang panty para takpan ang kasarian ng mga babae. Ito ay literal na panakip-butas. Pante, tapalodo, salungguhit, o salawa kung ano man ang naimbentong tawagin ng mga Pilipino dito, ang konsepto ng panty ay naitaguyod na isang bagay na isinusuot lamang. Pero sa aking pagmumuni-muni at sa inspirasyon ni Luce Irigaray (Spectrum of the other Woman), ito pala ay maraming maituturo sa atin gaya ng kung ano ang pagiging babae.

“Therefore women weaves as it were, in order to veil herself, to wrap herself, to mask herself, as if it is a necessity to do for her to restore her wholeness.” - Woman Have Never Invented Anything but Weaving

Ano ang ginagawa ng “panakip” sa butas kundi isa itong mistulang maskara na nagtatago ng butas. Dahil pagdating ng gabi (at the end of the day), hinuhubad din ang panty at ang mas mahalaga ay kung ano ang nasa loob; ang butas. Ang butas ng pagkatao ng bawat isa sa ating mga kababaihan na parang hindi mapunan at kung matagpian man ay pansamantala lamang dahil sa diskriminasyon na tila hinukay ng mga dating kalalakihan sa butas na ito na mismong nagpapanganak ng bawat babaeng isinisilang sa mundo. Butas na hanggang ngayon ay hindi pa napapawi ngunit tinagpian lamang ng panakip upang magmukhang wala na nga; isipin nating ang mga may kakayahan sa buhay nagpapa-hymen rejuvenation para matakpan lang ang “butas ng pagkatao” nila ngunit para sa karamihan, wala. Panty na lang. Panty na madaling hubarin at naglalantad ng butas/kakulangan ng bawat babae sa buong sambayanan na siyang nambababoy dito. Ang buto ng diskriminasyon at pangbababoy ay taglay ng mga lalakeng sanggol na ipinapanganak, ang iilan sa kanila ay dudurugin ang mga buto (marahil dulot ng tamang edukasyon at pagpapalaki) at ang karamihan nama’y ibabaon ang mga ito upang tuluyang magbunga ng libog, muhi (gaya ng maling pagtratong nakikita nila sa komyunidad na kinalalakihan nila kung saan walang sapat na kakayahan ang mga tao para sa edukasyon) at para narin may mapagbubuntungan sa oras ng pangangailangan gaya na lamang ng pagsisi ni Adan na si Eba raw ang nagpakain sa kanya ng sinumpang prutas na ni hindi na nya kinonsidera ang mismong desisyon nya na siya mismo ang tumanggap nito na sa halip ay tumanggi. Ayon sa Bibliya mas naunang nilikha ng Diyos ang lalake kaysa sa babae, nangangahulugan lamang na mas mulat ang isipan ni Adan sapagkat nauna siyang nanirahan sa mundo kaysa kay Eba, hindi ba’t pinangalanan muna niya ang mga hayop at saka na lamang dumating si Eba na siya din mismo ang nagpangalan dito. Oo nga sabay sila nang binawalang kainin ang prutas ngunit ano, nang tinanong siya ng Diyos kung bakit niya kinain ang prutas sinisi parin nya ang inosenteng babae na ni hindi man lang alam idepensa ang sarili at ipinasa na lamang ang bintang sa ahas na nag-udyok sa kanya. Pero ganyan talaga: “That is all I have to say to you about femininity. It is certainly incomplete and fragmentary and does not always sound friendly” – L.I. Si Eba ang sinisisi pero ang kredibilidad (free-will) na binigay sa mga lalake, kay Adan napanindigan ba niya o hanggang ngayon sinisisi parin kay Eba? Parang hukom sa korte lang ha na sasabihin ng rapist na “kasi nakaka-akit siya”. Uhuh, not friendly. And not fair either.

Lahat naman siguro ng taong nasa tamang edad na ay alam na sa kabila ng mala-maskarang panty ay may butas na maaaring abusohin at lalong lumalim. Hindi naman na kakailanganin pang alisin ang maskara para mapatunayan at tanggapin na may butas. Ang sana lang wag nang itanggi pa ang butas. Ang butas na naidudulot ng mga lalake sapagkat hawak parin nila ang mga babae. Sa porn pa nga lang eh, bakit nasa babae ang malaking porsyento ng kahihiyan at ang lalakeng kasangkot ay mamacho pa sa paningin ng mga kapwa lalake, pero ang mga babae sila pa mismo ang mahihiya para sa porn actress.( “Shame which is considered to be a feminine characteristic”- The Shame that Demands Vicious Conformity). Sinasabi kasi ng mga lalake na lalake raw kasi sila kaya ayos lang na kapag babae dapat malinis at birhen. Palibhasa ang sosyalidad kasi natin mas mataas ang pagbibigay saludo sa etits na masigasig at minamata na lamang ang mga pukeng nawasak nito: “She is mutilated, amputated, humiliated…because of being a woman.”[p.113], -An Ex-orbitant Narcissism. Ang may etits pinagpala raw ng Diyos. Di patas oo, pero atlis kasabay na nagbabago ang panahon ngayon na ang kaugalian na ng mga kababaihan ay parang kahit sila mismo may etits na (clitoris=penis). Palaban ha, din a uso ang hiya.

Sa pag-ibig, di mo mamamalayan kinakarinyo na pababa ang panty mo, normal lang naman na ito’y malaglag minsan o paminsan-minsan basta ang mahalaga matuto kang pulutin ito agad. Oo normal lang na malaglagan ng panty at naisin ang pag-ibig: “women’s sexuality is made realized only through men’s sexuality so that women must and should and will have to continuously desire the penis – to continuously desire man – to desire to be loved”, -The vanity of a commodity. Kung di mo kayang makalimutan ang hapdi ng butas na naigawa sa iyo, matuto kang takpan muna ito pansamantala upang ipagpatuloy ang lakad ng buhay at muling bumangon. Mahalin ka man ng lalake o hindi, wag mong kakalimutang isuot muli ang iyong panty; sige lang isuot mo ang iyong bagong labang panty kung ang ideya ng pagiging respektable ang makakatulong sayo para makabangon uli.

Ihalintulad natin ang panty sa pagkatao, hindi ito dapat pinapahiram. Ang pagpapahiram ay nagbibigay ng sinyales na maaari itong maabuso ng nanghihiram. Dahil di tulad ng panyong pinapahiram, di ito pwedeng maibalik sayo ng hindi nagkakaron ng delikadong bahid na maaaring manghawa at mang-apekto ng iyong pagkatao. Hayaan mong ang panty mo ay para sa iyo lamang, angkinin mo ito maigi at pangalagaan dahil kung ang paghuhubad ng panty ay katumbas ng paghuhubad ng dangal paano ka na lamang kung naitakbo ang panty mo papalayo sa iyo? Huwag mo nang hahayaang maangkin pa muli ito ng mga lalake sapagkat ang panty ay pinaghihirapang maangkin, walang duda na napakamamahal nga naman ng mga lingerie ngayon. Talaga namang mababahiran ng dugo ang panty kung kaya’t lalabhan na lang ito pag madumi. Kahit pagod ka na wala kang choice, ikaw at ikaw parin ang maglalaba nito sapagkat ang asawa mo pagkagaling sa trabaho manonood na lamang ng telebisyon (oh, diskriminasyon na naman. Anyways..). Hala sige, guso’t gusutin mo maigi nang maalis ang mga nakakapit na mantya ng kahapon, pilitin mong alisin ang dumi ng mga irasyonal na emosyon na itinuro sayo ng mga lalakeng “manlulupig”. Ngunit kung di mo maalis, huwag kang magpapakamatay. Hindi naman na masyadong isyu ang kalinisan sa panahon ngayon, nasa pagdadala na laman yan. O kaya kung gusto mo palitan mo na lang ang gamit na gamit mong panty, bago pa ito maging saksi sa lahat ng kahangalan mo sa buhay. Eh ano naman kung di ka makabili ng bago? Di purket uso ang pagbabalandra ng panty ngayon ay nangangahulugan nang di ito ginagamit pangloob, wala naman makakakita at makakaalam ng walang pahintulot mula sayo eh. Isaisip at ipakita mo sa mga lalake na kontrolado mo yan at mapaninindigan mo. Gaya ng sinabi ko, nasa pagdadala lang yan!

Maraming uri ng panty, may disposable, synthetic na stain-free at bakal. Kahit pa sundalo ang asawa mo at wala siyang tiwala sayo wag mo paring hahayaan na pasuotin ka ng bakal na panty, pagkat ito ay mainit at maibigat sa damdamin at tanging ikaw lamang dapat ang makakaalam kung papaano maitatakpan ng husto ang butas na nagawa sayo sa paraang kumportable ka. Sa stain-free ka na lang astigin ka pa, walang pahid ng emosyon o kaya sa disposable na magastos man malinis at baggage-free ka naman. Wag na tayong vain, di naman kailangang maganda ang panty eh, pagkat tulad ng ating katawan na dinesenyo upang “madumihan” ganun din ang panty. Di naman talaga pang-akit ang panty eh, diba nga pantakip ito, at the same time pansalo din ng dumi mo! Ang katawan ng babae at ang kanyang panty, sapat na gawing kaaya-aya para di kadirihan pero tandaan na ang kaaya-aya ay iba sa kaakit-akit. Sapat na ang kaaya-aya, pero di naman na kakailanganin na kaakit-akit at patok sa panlasa ng lahat. Uulitin ko, wag na vain. Kung pagkatao nga ang panty, dapat may sapat kang kaalaman kung papano ito panatilihin/labhan at alam mo rin kung ano ang angkop na suotin at ito ay ang kumportableng simple at hindi ang T-back na masakit sa pwet kung makakapit. Panakip butas nga diba, takpan mo na ang butas wag mo na palalain pa. Di lahat ng tao ay karapat-dapat akitin. At papano kung wala kang pambili? Marami rin namang mga babaeng walang panty, pinaninindigan na lang nila mabuti sa paraang di na sila ang masasaktan at sa halip ay sila na ang nananakit. Pinapakita nila ang butas, ang diskriminasyon sa kanila, sila ang nagsisilbing aral sa lahat. Di nila kinakahiya ang butas pagkat alam nila na alam naman na ito ng buong mundo, di sila paaapekto sa sasabihin ng iba ukol sa butas nila.

Ano pa ang silbi ng panty? Para makapagtimpi sa bulong ng katawan. Ito ang nagkokontrol sa mga di-makabuluhang pagsabog na nais ilabas ng dalawang pares na labi na nasa loob nito. Sana’y may panty na rin ang utak nating mga babae tutal ito naman din ang nagdidikta sa ating mga ikinukubling mga labi. “Mapaano man ang desisyon mo, panindigan mo ito” yan ang sasabihin ng panty at yan ang di itinuturo ng brip kung kaya’t napakadali para sa mga babae ang umamin ng pagkakamali kaysa sa mga lalake. ;)

Para maibalanse ang lahat, sasabihin kong hindi lahat ng may panty ay babae (may mga lalake ring may butas dahil nasapul ng mga babaeng walang panty patunay na hindi lang mga babae ang martir) pero lahat ng babae ay may panty (malamang diba, totoo naman. Kailangan magsuot eh). Pero kung lalagyan ko ng metapora, sa panahon ngayon sasabihin kong di lahat ng babae ngayon ay merong panty --- di lahat ng babae ngayon ay may butas na dulot ng diskriminasyon pagkat di lahat ngayon ay pumapayag na magpabutas (literal man o hindi ang pagkakaintindi mo sa pangungusap na ito kung mangyari man na ang pakikipagtalik ng babae sa lalake at pagdudulot ng butas ay isang diskriminasyon para sayo).

Tayong mga babae, alam natin na sa kabila ng ating mga panty ay may mga kambal o magkakamukhang imahe na iba-iba ang porma pero pare-pareho lamang. Ano pa ang dapat ikahiya? Tara , sabay-sabay na tayong maghubad ng ating mga panty.

“A little girl will become woman only in terms of lack, absence, default, etc.” – The very envious nature.








Sources:
Hinanakit ng panty - www.pinoymoneytalk.com/forum/index.php?topic=22557.0
Origin/purpose of panty - www.theoriginof.com/panty.html
Book of Genesis
Metal panty - www.thefind.com/apparel/browse-heavy-metal-mesh-panties
Stain-free/ synthetic- www.freepatentsonline.com/4900320.html
itdelo.info/how-should-women-choose-panty
Luce Irigaray (Spectrum of the other Woman):
A painful way to become a woman
Woman as a certain lack of characteristics
An Ex-orbitant Narcissism
Woman Have Never Invented Anything but Weaving
The vanity of a commodity.
The very envious nature.
The Shame that Demands Vicious Conformity

No comments:

Post a Comment